Itinaas na sa anim na libong piso (P 6,000) ang matatanggap na Uniform/ Clothing Allowance (U/CA) ng mga kawani ng gobyerno. Matatandaang limang libong piso (P 5,000) lamang ang halaga ng U/CA noong mga nakaraang taon.
Nasa halos P1.12 bilyon ang inilaang pondo para sa pagtaas ng U/CA.
Inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na bumuo ng kani-kanilang sariling internal guidelines para sa paggawad ng U/CA.
Para sa karagdagang detalye, maaaring tumungo sa: https://www.dbm.gov.ph/…/Budg…/BUDGET-CIRCULAR-NO-2018-1.pdf